Thursday, February 21, 2008

Sorry Lord...

Sa tuwing makikita ko ang...

- MMDA street sweepers na maagang nagwawalis kahit mainit...
- ponkan vendor na umaakyat sa bawat bus na nakapila sa terminal, masayang nakikipag-usap sa mga pasahero at sinasabing walang kamatayang 5 piso lang ang bawat piraso ng ponkan...
- kilalang burger vendor, na iba-iba ang hair style, na sinusuyod din ang mga bus sa terminal at nakangiting sinasabi, "Burger Ma'am, Sir, burger...with coleslaw na po, baon sa b'yahe"...
- masasayahing parking attendants sa compound ng Boom na Boom...
- babaeng traffic enforcer na nasa gitna ng daan buong maghapon...

...nahihiya ako Sa'yo Lord dahil feeling ko napaka-ungrateful ko sa work na binigay Mo sa'kin.

Naalala ko tuloy ang mga lines na ito:
* It's not important how big or small your task is, what matters is that you do it with joy and love.
* I can't do great things. I can do small things in great ways.

Lord, help me to be faithful up to the end. May everything I do give glory to Your Most Holy Name.

1 comment:

Anonymous said...

Whew.

I so agree.