Monday, June 16, 2008

Gurong Estudyante

Mahirap maging estudyante...
- maraming assignments, projects
- nosebleed sa examinations
- may mga demanding na professors na tipong feeling nila yun lang ang subject mo kung maghain ng requirements
- mahirap magbudget ng allowance lalo na kung may biglaang photocopies and handouts na dapat bayaran

Mahirap ding maging guro...
- kailangang magprepare ng lesson plan everyday or for the whole week
- kailangang mahaba ang pasensya sa mga batang makukulit
- bawal ang mapikon
- masakit sa lalamunan ang magdiscuss ng magdiscuss
- mahirap sagutin ang ilang tanong ng students, dapat laging prepared sa pagsagot ng possible questions nila
- dapat iba ibang approach ang gagawin sa pagtuturo since mahirap hulihin ang attention ng bata at madali silang mabore (it's a must to squeeze out your creative juices)

pero higit pa lang mahirap kapag pareho kang estudyante at guro...
- dapat i-budget ng maigi ang oras
- madalas 3-4 hours lang ang tulog lalo na 'pag weekdays
- dapat maging handa sa pagbabago ng appearance (up to 3 layers ang eyebags, papayat, etc)
- medyo mahirap ang shifting ng status, sa umaga teacher mode, sa gabi student mode
- gumagawa ng ipapa-assignment sa mga tinuturuan at gumagawa ng ipina-assignment ng professor

Gayunpaman, ang kalakasan ay nasa Panginoon. 'Di Nya tayo bibigyan ng kahit ano mang higit sa kaya nating pasanin. :D

"Whatever your hand finds to do, do it with all your might." - Ecclesiastes 9:10

No comments: