I went to NBI at FRC Mall, Imus to apply for a clearance yesterday. I was there at around 6:00am (hindi pa ako ang pinakamaaga sa lagay na un), pang-191 na akong applicant! wheew! Those who preceded me went there at 2:00am...hai, di ko yun kaya!
Sobrang exagge talaga ang haba ng pila. Nakakalungkot pa dun, may mga sumisingit...kanya-kanyang tactics, may mga fixers din as expected. May mga hindi marunong mahiya,as in harapan ang paniningit ah. Nasabi ko tuloy...
"Hai naku, hindi uunlad ang Pilipinas n'yan kung sa pila na lang hindi pa faithful."
I was reminded of one of Jessica Sojo's episodes (Kapuso Mo, Jessica Sojo). Ang pila daw sa Pilipinas ay sumasalamin sa sistemang meron ang bansa. Yung mga nagdodorm, 'pag gising pa lang pila na para makagamit ng c.r. then pila ulit para makasakay sa jeep...pila pa rin 'pag magwi-withdraw sa ATM, another line sa bills payment and so on. Conclusion dun, may kabagalan ang pagbibigay ng service sa mga Pinoy. Somehow, true... but I know there will still be changes in our system (with the help of computers)... hopefully and prayerfully.
Going back, I got my clearance by 4:00 pm, in short, buong maghapon ako dun. Akala ko nga magco-colapse ako, sobrang init at nakakainip!!!
Saturday, October 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment