Friday, January 11, 2008

Saving Money Traditionally

Cards - Ito ang nangigibaw sa mundo natin ngayon. 'Pag pumunta ka sa grocery or department store at bumili ng anuman, maririnig mong itatanong ng kahera, "Ma'am/Sir, may SM Advantage Card?" Sa National Bookstore naman, "Ma'am/Sir, may Laking National Card?" Sa Walter Mart naman, "...may Plus Card?" Lahat tipong may membership na.

Lahat halos ng transaction kailangan ng card at ito ang ilan...
- Renting DVD or VCD sa Video City (pinaliit ang version na pwedeng isabit sa zipper ng bag)
- Shopping using credit cards
- Applying for a loan (GSIS members)
- Withdrawing/Depositing money via ATM

Na-realize ko lang yan last night when I was withdrawing money... from my coin bank. hihi!

Probably, most people save their money in banks and only a few save traditionally using 'alkansya' (mas cute ang dating 'pag Filipino term). Sa bagay, hindi naman nakapagtataka yun dahil "computer age" na nga, lahat encoded. 'Pag alkansya lang, di pwede ang balance checking (except na lang kung bawat hulog mo ng coin recorded), hindi rin pwedeng ibayad sa items ng department store or pang bayad ng bills (gaya ng credit card) dahil walang debit, lalong hindi pwede ang money transfer. Haha!

Ganon pa man, kami ng mga kapatid ko (even my mom) nag-iipon pa rin sa alkansya, 10-peso and 5-peso coins only. Yun ang takbuhan 'pag biglang kinapos. Pero kagabi, na-withdraw ko na lahat (nag-iwan lang ako ng P50.00) kasi kailangan kong bayaran si Kua Nad sa MP4. (Don't worry ipapapalit ko naman ng bill yung coins. hehe)

Almost 1 hour din akong nagsungkit ng coins. As a result, lumaki ang butas ng alkansya ko (as in kasya na ang isang daliri) at sumakit ang braso ko... ang bigat eh! Lumabas nanaman ang pagka-maskulada ko! :D Masaya pala ang may coin bank.

3 comments:

glen said...

Hi! I enjoyed with your story....mga 4x times ko rin binasa paulit-ulit. I remembered I am fun with alkansya. The last time na nagkaroon ako nyan was 20yrs ago. But still I'm longing to have one but since puro cards na ngayon hindi ko alam kung mahuhulugan ko...

weena said...

hahaha. alam ko na kung san nanggaling yung pinambayad mo ng Word 4U Today. hehehe. ang cute. =)

KheN said...

@ kua glen: 20 years ago meaning you're 8 or 9 years old? tama, elementary years. you can always try naman...hehe. thanks for dropping.

@ ate weena: buking ako dun ah! nakakahiya kasi ibigay kay kua nad ung lahat ng coins kaya pinapalitan ko ung bills ko...at pinangbayad sa iba ang coins. Last friday nga namili ako ng supplies sa National Bookstore worth P230.00at coins ang binayad ko. hihi. :D